"hindi ka naman talaga akin"
isang linyang matatagpuan natin sa kanta ng Sugarfree na pinamagatang Mariposa… maraming pagkakataong nasasabi natin sa sarili natin ang ganitong bagay… kunwari, ECE ang course mo… natapos ang dalawang taon at bigla kang sumablay… patay ka sa nanay at tatay mo… bumaba ang moral mo… kompyansa sa sarili, halos wala… pano ka na? hindi ba? pinagbigyan ka nga ng school na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kanilang kagalang-galang na institusyon… pero tutuloy ka pa ba sa ECE? sa ‘yo ba talaga yun? maaaring oo, maaaring hindi… baka study habits lang… o kaya naman diverted lang ang attention mo… kaya mo nga kaya talaga pag sineryoso at kinareer mo ng todo? hmm… pero sa sobrang pagkadismaya… sasabihin mo na lang sa kanya… "hindi ka naman talaga akin"… may gusto kang babae/lalake pero may boyfriend/girlfriend… asa ka pa… olats ka na talaga… hihintayin mo ba talagang magbreak sila at saka ka gagalaw? sasawsaw at makikigulo ka ba sa relationship nila? huwag na! manahimik ka na lang diyan at maghanap ng iba… wakasan mo ang lahat at sabihin sa kanya… "hindi ka naman talaga akin"… pero pwede nga kayang maging sa ‘yo ang hindi nararapat sa ‘yo? gumagana ba ang pagpapasensya at paghihintay? o susugurin mo ang iyong minimithi ng walang alinlangan? hmm… ito lang naman eh… kung mag-invest ka ng puso, oras, pasensya at lahat na sa ibang bagay, humanda ka na lang na baka ikasama mo ito… maaari itong magdulot ng hindi makatarungang lungkot, hapdi at pighati… pero kung maging successful ka, madadama mo nga ba ang pinakamataas na uri ng ligaya? o baka naman pag nakuha mo na, parang ang labas, you have nothing to live for… hmm… nakakainis talaga noh? meron nga kaya talagang mga bagay na para sa atin at hindi para sa atin? yung sa ‘yo lang at wala kang kaagaw? hmm…
- sugarfree! idol! ehehe!