cliche

tuwing nakaririnig ka ng mga cliche, nakakatawa siya di ba? parang… "sus… gasgas na yan.. baduy naman nito… soo bola…" at lahat na ng panlalait sa buong mundo nagawa mo na sa mga cliche… kawawa naman siya. pero bakit nga ba siya naging cliche? bakit siya sumikat? bakit siya naging "gasgas"? kasi.. may katotohanang nakapaloob sa kanila… kasi maraming tao ang nailalapat ang buhay nila sa mga katagang ito. laitin man natin siya, sa kaloob-looban natin, naroon yung kakaibang karansan natin na maaari nating ilapat sa kanya. ang galing noh? kaya nga siya naging gasgas eh. kaya nga siya paulit-ulit na ginagamit ng mga taong hindi na natuto; mga taong paulit-ulit na nasasaktan at nasusugatan. matigas kasi talaga ang mga ulo natin kahit anong mangyari. sawsaw tayo ng saw sa mga bagay na magdudulot ng pambihirang lungkot sa tin. pero ayos lang yan. dun naman tayo natututo eh. pero ok rin naman ung cliche. hindi naman talaga negative parati. may mga cheesy rin siyang sinasabi na corny naman talaga. corny man, totoo naman eh… natural din namang corny ang tao eh… haha… iba’t ibang style ng kakornihan lang ang ginagawa nila. kaya sa susunod na makarinig ka ng cliche o kaya gagamit ka… reword mo na lang… haha! effective naman sila eh… konting manipulation won’t hurt naman siguro… i-credit mo na lang ung nagpasimuno nun… kung kilala mo… haha… kung hindi, malas niya na lang! astig naman pala ang cliche, di ba?

Leave a Reply