Archive for May, 2005

imibisibol

Thursday, May 26th, 2005

ang pagiging imbisibol (invisible) ay isang sitwasyon kung saan hindi ka nakikita ng isang tao kahit halos mag-lips-to-lips na kayo sa sobrang lapit. hindi mapapansin ng iyong paligid o ng gusto mong makapansin sa yo na ang iyong kaganapan. kahit na isang napakaliit na ideya, wala pero alam na alam mo namang dapat napapansin ka niya or nadarama kahit konti. pero sa kasawiang palad, blangkong-blangko ang dating mo sa kanya.

ang pagiging imbisibol ay nahahati sa iba’t ibang iba’t ibang klase at porma na nakadepende sa sitwasyon (stimuli). ito ang ilan sa kanila:

1. kunwari inis nainis na sa yo yung mommy mo kasi isang umaga, nahuli ka niyang magyosi matapos ka niyang pagbawalan ng ilang taon sa kadahilanang nalimutan mong on-leave pala siya sa mga darating na araw. ibinaba mong agad ang yosi sabay hirit si mommy, "hahaha! nalimutan mong leave ako ngayon ano?" para ka nang mamumulang kamatis sa hiya nun habang naguunahan ung blood platelets mo papunta sa mukha mo. ahaha. umalis ka na at pumasok sa iskul at pag-uwi mo, nagsindi ka na naman sa may tindahan na malapit sa bahay niyo. sabay bigla na namang lumabas ang mommy mo! aaaaaa! patay na naman! ito yung mga pagkakataong gusto mo na lang maging imbisibol para makapag-yosi ng walang nakakakita sa yo at para itago ang mukha mo sa kahihiyan. whew!

2. kunwari meron kang natitipuhang girl sa party tapos salamat sa diyos dahil may dumating kayong common friend. ipapakilala ka dun sa girl tapos blah blah blah. kwento. whatever. tapos habang nag-uusap kayo, sabay sulpot yung group of friends niya tapos nag-buh-bye na sa yo. tapos nang tapos na yung party, hinuhuli mo ng eye contact yung girl. alas! tumingin sa direksyon mo pero potek! wala pang one milisecond. ano kaya yun? umalis na siya ng walang paalam. imbisibol ka na naman sa sitwasyon na yun. sa oras na ayaw mong maging imbisibol, naging imbisibol ka. diyahe noh?

3. kunwari girl ka tapos may boyfriend kang mas matanda ng 2 years in terms of academics. graduate na siya at incoming junior ka pa lang sa college. ngayon, busy siya sa work at sa ibang bagay to the point na naneneglect ka na niya. jologs di ba? kahit na anong gawin mong pa-miss na gawin, wala pa ring mangyayari forever. para kang may imbisibol na boyfriend. kainis. at the same time, para ka ring imbisibol kasi kahit na alam niyang andiyan ka lang sa tabi-tabi, ayaw magparamdam. hay…

4. last case is my favorite case… eto ung tipong imbisibol in a different level. ehehe. adik! meron ka kunwaring type na person na naging close friend. you get along so well tapos u start falling for that person. after a while, inamin mo sa kanya na like mo siya… then he/she tells you na "you’re a really good brother/sister to me", "eh?" or tawanan ka niya ng napakalakas hanggang ma-stroke siya. bullshit noh? even though alam mo na buhay yung feelings mo for the other person, its either naniniwala siya ng konti, wala talaga or denial lang siya na may naffeel din siya for u. in short, imbisibol!

ang galing noh? ang dami palang use ng powers na yun. sana kayang-kaya nating bilhin yun. yung tipong parang just add water o kaya keep in mouth to maintain invisibility o kaya yung cloak ni harry potter. (teka… bakit ko alam yun… wahaha…) pero minsan, diyahe rin siya talaga especially if u want to be seen, felt, smelled (ano?), etc… yung thing siguro… things will not always go our way. meron talagang moments na hindi sa tin at siguradong mapapahiya tayo kahit paikut-ikutin natin yung mundo. meron ding mga taong napakalinaw ng titig sa tin pero imibisibol siya para sa atin. yeah… life is sooooo… ummm… ewan….

Resident_evil

- kalaban lahat ng zombies… and yet… invisible sa buong mundo.. nagbulag-bulagan ung umbrella corp. actually, type ko lang talaga siya sa picture na yan. wahahaha. :p

hari ng sablay

Sunday, May 22nd, 2005

Hari ng Sablay
Sugarfree

please lang wag kang magulat
kung bigla akong magkalat
mula pa nung pagkabata
mistula ng tanga
sa’n-sa’n nadadapa
sa’n-sa’n bumababangga
ang puso kong kawawa
may pag-asa pa ba

oooh, ayoko ng mag sorry
oooh, sawa na akong magsisi

pasensya ka na
mabilis lang akong mataranta

ako ang hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
hinding-hindi makasabay
sabay sa hangin ng aking buhay
hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
ako ang hari, ako ang hari

isang tama sampung mali
ganyan ako pumili
‘di na mababawi ng puso kong sawi
daig pa ang telenovela
kung ako ay magdrama
ganyan ba talaga guhit ng aking tadhana

oooh, sawa na akong mag sorry
oooh, ayoko ng magsisi

pasensya ka na
mabilis lang akong mataranta

ako ang hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
hinding-hindi makasabay
sabay sa hangin ng aking buhay
hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
ako ang hari, ako ang hari

woah, ayoko ng magsorry
oooh, sawa na akong magsisi

pasensya ka na
mabilis lang akong mataranta

ako ang hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
hinding-hindi makasabay
sabay sa hangin ng aking buhay
hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
ako ang hari, ako ang hari

may mga pagkakataon talaga sa buhay natin na parang wala tayong magawang tama. yung sunud-sunod talaga yung mga katangahang ginagawa natin. hindi naman talaga natin sinasadyang mangyari yung mali na yun pero for some unknown and divine reason, sasablay ka na naman. In a more personal level, sobrang nakakababa ng moral yun. nararamdaman mong nagiging pulbos yung kumpyansa mo sa sarili mo to the point na halos hindi ka na parang "habit" mo nang magkamali. pero wala nang mas hihigit pa kapag may nadamay na ibang tao sa katangahan mo. yung respeto nila sa yo, magkakaron na ng question mark bigla. Tapos sa sobrang conscious mo na baka magkamali ulet, lalo kang nagkakamali dahil pressured ka. para kang niluluto sa oven.

mahirap masanay ng nagkakamali. parang nagiging natural na sa yo ang hangaring abot na abot na dapat ng talampakan mo. walang may gusto nito. huwag tayo doon.

kunwari, lumabas ka ng kotse matapos mong magmaneho. nai-lock mo yung kotse nang hiundi nabubunot yung susi. patay ka na. sabay naiwan mo yung celphone sa loob pati ang wallet mo tapos taga-QC ka at nasa Makati (or San Juan) yung sasakyan mo. ahahaha. kahit gaano karaming dasal ang gawin mo at santong tawagin mo, maglalakad ka pauwi, guguluhin mo yung nanay o tatay mo para sa duplicate na susi sa pamamagitan ng pag-utang ng isang tawag sa isang malapit-lapit na sari-sari store or humingi ka ng limos… kailangan mo lang ngang magmukhang dugyutin. whatever u do, bad shot ka na naman sa magulang mo. (unless isa kang napakalupet na locksmith).

siguro yung thing dito, ok lang naman magkamali. basta matuto na tayo sa susunod. kailangan maging mature tayo pagdating sa mga ganitong bagay kasi sa totoo lang, mahirap talagang kalaban ang pagkakamali at ang mga dulot nito. pde tong gumawa ng scar sa brain natin and irrationally fear the event once it occurs again. parang phobia. kaya nating labanan to. kailangan lang natin maging matatag at matapang. wag tayong masanay na nagkakamali. wag tayong maging hari ng sablay.Tulog_1

- tulog… style ni —- ;p

trianglular theory of love

Tuesday, May 17th, 2005

Triangle_of_love_1Today in psych, we were introduced to Sternberg’s Triangular Theory of Love. Below are the meanings for the labels:

1) COMMIMENT + INTIMACY = Companionate Love = Affectionate Love = mushy mushy = "patter often found in couples who are married for many years" (Santrock 2003)

2) PASSION + COMMITMENT = Fatous Love = one person worships the other from a distance = bengga lang ng bengga kahit takpan mo yung mukha = no mushy mushy

3) PASSION = Infatuate = "an affair or a fling in which there is little intimacy and even less commitment" (Santrock 2003) = physical attraction lang = LIBOG!!!

4) INTIMACY + PASSION = Romantic = syota to the fullest level = siguro marami rin silang iba pang kasama ka-relationship = papasa na silang gang bang if combined haha… :p

5) INTIMACY = Liking = swak ugali niyo or nagkakasundo kayo

6) COMMITMENT = EMPTY = why the hell would anyone put this put this? = siguro for dragging couples = pasayahin niyo naman mga bf/gf at asawa nyo… :p

7) CONSUMMATE LOVE = combination of the three = dito dapat sana lahat ng relationship para walang gulo = isipin niyo…. type niyo isa’t isa, swak sa ugali, overflowing sexual potential at tatagal pa! yown!

That’s it! Pasenya sa na lang kay Sternberg at Santrock at abnormal yung nakabasa sa kanila. Wahahaha! Ingat sa lahat ng mga pogi’t magaganda.

perfect equation for a perfect life

Thursday, May 12th, 2005

what is the perfect equation for a perfect life?

for moi => live fast, die young!

bow!

sex theory

Thursday, May 12th, 2005

napakaraming sitwasyon sa buhay natin ang nagbibigay sa tin ng iba’t ibang klase ng emosyon lalo na sa mga "firsts" natin… kunwari, first time mong sasakay ng bike, o kaya first time kang mag-jjeep, first time kang nataw sa shorts mo, first time kang magmamaneho… ang galing… pero hindi lang natin napapansin, may pattern ang lahat ng mga ito.. and i coined it into something that i call… SEX THEORY.

1. hesitation and doubt stage- when faced with a "first", the notion is that we think of all the possible consequences that might happen to us. we weigh the pros and cons that the situation will bring us. for the really adventurous people, bebengga yan and get over the hesitation and doubt stage so easily. pero for the more reserved types, they will spend so many hours thinking on whether or not to go for the expereince. pero regardless of what type of person you are, it’s very natural that hesitation and doubt stage will always hit your mind. this is so easy to see in sex. especially if its yr first time, you will almost die thinking if you are ready, what if you get caught, kaya ba ng konsensya mo, etc.

2. foreplay stage- after making up your mind, the couple will not hump on each other like crazed askal dogs just like that. instead, they will feel each other out for a while. they’ll need to get used to each other. find their "g-spots". whatever the couple may consider foreplay, that’s what they will do. baka gusto nila gumamit ng cream, m&m’s, honey, syrup, etc. just like in "firsts", that’s what people usually do… they internalize the activity that they’re going to do. for example, if you are going to dive into an unknown water, you will use your toes first so as to adjust your body and mind to the temperature ang depth of the water. mind setting. the foreplay stage lasts for as long as the person wants to. sometimes, it lasts for one second and for some, it lasts forever. this stage is felt by the person due to the presence of a faint amount of fear; so faint that you can easily dispose of it. parang ice-breaking stage to.

3. excitement stage - now that the fears are set aside, there will be a new realm that the couple will be in. every ounce of satisfaction is so strong… and rising. it appears that the moment belongs to the couple. this applies to the "firsts" since in this stage, it appears that the moment belongs to you. as if no one can stop you. you’re on a role. you’re on fire. feeling mo expert ka na. yey!

4. peak stage - this is the stage when the couple reaches their marginal utility max in economic terms. this is when the part when the couple is fully satisfied as they give their remaining strength for each other. (fireworks!) most probably, they will give their final "aaaaarrrggghhh!", "wwweee!!!" or "p*tang ina!" on this stage. as for the "firsts", for example, the person rides the rollercoaster, this is the final drop.  unfortunately, this will be the highest point of excitement that the rider will expeience. the rest will be draggy if not, intoxicating already.

5. falling action stage - as it was said in the previous stage, this is the draggy part of the expreince. everything seems so normal if not, dull. the couple probably goes on, hesitating to stop, thinking that the other person is not yet fully satisfied. in the first time experience, the person probably goes on due to factors such as peer pressure. they don’t enjoy it for themselves anymore. finishing the task, caused by an external factor is what they what on this stage. (nadapa, nagpadapa, nagkasakit, etc.)

6. evaluation stage - the couple lies beside each other, playing thoughts in their minds. they’re quite awkward on what to say to the counterpart. also, a feeling of guilt also arises or regret. sometimes, it reaches a point of an outburst but most of the time, they don’t have enough energy to do so. they’re probably thinking whether or not they’ll do it again or not. just like the firsts, this will be the stage of evaluation. for example, after going through a horror movie, this is the time when the terror sinks in. this is the time when the memory and sensation of the expereince goes to the depths of the subconscious.

there you have it! the SEX THEORY. this also applies in other activities such as studying… hindi lang siya applicable sa firsts… ehehe… quoting from mr. ambeth ocampo, "anything with sex is good.." i guess this theory is also kinda… umm… good… ata… ahaha… whatever the case maybe, this theory has not been tested yet so sa mga may hands-on experience, revise niyo na lang! :D ingat!

natural

Wednesday, May 11th, 2005

Naturals hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng konsepto ng panliligaw. bakit nga ba kailngang ihayag mo sa babaeng "manliligaw ka"? hindi ko lang talaga maintindihan. bakit kailngang bigyan ng gifts yung babae sabay pag tagal, hindi naman gagawin kapag dumating na yung time na nagkakasawaan na sila? bakit kailngang magpaka-gentleman kung hindi ka naman talaga gentleman? sabay pag tagal naman, wala ka nang ibubuga. kasi sa pagkakaintindi ko, parang napupunta sa ibang realm yung relationship kapag may nag-declare na "manliligaw ako"… sa guy’s part, ang pagkakaintindi ko, parang sinasabing, "magpapaimpress ako ng sobra sa yo…" sa girl’s part naman, pag sinabing oo, feeling ko sabi lang nila… "kaya mo bang abutin yung standards ko… tignan natin…" in effect, tumataas talaga yung standards nung babae… ok rin namang mangyari yung ganyan, di ba? at least malinaw… pero parang ang weird lang kasi bakit mo naman gustong maging girlfriend yung isang taong kakakilala mo pa lang at crush mo lang? paano mo nasabing mahal mo na? hindi ba? hindi ba mas ok kung maging friends muna kayo tapos chaka na yung mga ganyan-ganyan? pag yung time na you know the person enough to say na he/she is worth your efforts, love, emotions, etc… courtship… hmmm… i really dunno how that works… at nabubuhay na ko ng 19 years ang had my fair share about love, hate, awkward moments, something, something else (ehehe), etc… pero courtship never crossed my mind… i feel kasi na this kind of things come naturally… alam mo na, hindi yung pinipilit.. yung walang nagpapasikat… yung walang nagpapakipot… hmmm… hindi ba mas maganda kung ganun yung mangyari? parang the so-called "chemistry" reacted between the two of you at nagkaintindihan na lang kayo na you want to bring the relationship to another level… hmm… siguro kanya-kanya rin yan… halata bang gulung-gulo na ko ngayon? ehehe…

lechugas! (wala kong maisip na title eh.. ;p)

Tuesday, May 10th, 2005

Sampip by Parokya ni Edgar

Some people love shoes of certain kinds
Some people love afternoon
Or the way the moon shines
And they have their own reasons
To feel the way they do
That’s why I ask myself what is it with you

Is there something wrong?
With the way I speak
You don’t even see me
When I pass you on the street
I’ll close my eyes and let it be
Because I just can see
Why you love to hate me

Some people love weekends
Because they can fool around
Some people love thunderstorms
Because of how the drops of rain fall down
And they have their own reasons
Whatever they may be
That’s why I think it’s kind a funny
That you don’t have one for me

And it sucks to face the truth
That I ain’t got no reasons too it
Whenever asked the simple questions
Why I feel the way I do
And I know stupid on my part
To say that I love you
Even though I know you hate me
And you don’t know why you do.

wala naman… lungkot lang nung song… :( minsan mahirap lang talaga mag-invest ng emotions sa mga bagay/tao na hindi naman karapat-dapat… lalo na kapag hindi mo ma-reconcile sa sarili mong hindi naman talaga siya worthy. yung thing lang siguro dito, subukan mong mag-invest ng emotions on someone/something whom you think is worthy… mag-experiment ka… kung may signs na mukhang wala talaga, huwag mo nang ipagpilitan… masasaktan ka lang lalo. matuto kang mag-move on. the will is supposed to be stronger than instincts/emotions. One_by_one

- ermitanyo

bawi lang…

Monday, May 9th, 2005

sabi ng simabahan sa tin, "kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay…" sinasabi sa tin nito na kasalanan ang gumanti… na nararapat lamang na magpatawad tayo sa mga ating kapwa tao tulad ng ginawa ni Hesus nang siya’y ipako sa krus ng mga sundalong Romano… mamatay na siya noon ng sabihin niya sa kanyang ama, "Ama, patawarin mo sila pagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa…" ang galing noh? pinatay na nga siya’t lahat… tinapak-tapakan at hinubaran siya ng kanyang dignidad… nagpatawad pa rin siya… at ngayon.. sa mga Kristyanong tulad ng nakararami sa atin, nararapt lang na sundin natin ang mga yapak ni Hesus… sabi niya sa Beatitudes, kapag ibinaba natin ang ating mga sarili, matatanggap natin ang mga biyaya kapag dumating na tayo sa kabilang buhay, sinabi sa ting mabuti nang tayo ang inaapi… pero hindi ba itinuro rin sa atin ng simbahan ang pagkakapantay-pantay? na lahat ng tao’y magkakapatid at dapat walang lamangan? eh bakit ganoon? kapag sinaktan tayo, bakit bawal tayong gumanti? hindi ba nararapat lang na gawin panatilihin nating pantay ang inog ng mga bagay-bagay? kasi nang tayo’y saktan, hindi ba parang nalamangan ka nung isang tao… at ikaw, ibinaba… eh bakit ka naman papayag ng ganun? hindi ba dapat matanggap niya ang nararapat na sa kanya at ibalik ang paninirang puring ginawa niya sa kanya? isipin mo na lang… hindi naman siya diyos para abusuhin ng ganun-ganun lang… hindi ba dapat ibalik mo ang balanse sa pagitan niyong dalawa? hindi ba iyon ang ibig sabihin ng pagkakapantay-pantay? Passion6

- aray!