bawi lang…

sabi ng simabahan sa tin, "kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay…" sinasabi sa tin nito na kasalanan ang gumanti… na nararapat lamang na magpatawad tayo sa mga ating kapwa tao tulad ng ginawa ni Hesus nang siya’y ipako sa krus ng mga sundalong Romano… mamatay na siya noon ng sabihin niya sa kanyang ama, "Ama, patawarin mo sila pagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa…" ang galing noh? pinatay na nga siya’t lahat… tinapak-tapakan at hinubaran siya ng kanyang dignidad… nagpatawad pa rin siya… at ngayon.. sa mga Kristyanong tulad ng nakararami sa atin, nararapt lang na sundin natin ang mga yapak ni Hesus… sabi niya sa Beatitudes, kapag ibinaba natin ang ating mga sarili, matatanggap natin ang mga biyaya kapag dumating na tayo sa kabilang buhay, sinabi sa ting mabuti nang tayo ang inaapi… pero hindi ba itinuro rin sa atin ng simbahan ang pagkakapantay-pantay? na lahat ng tao’y magkakapatid at dapat walang lamangan? eh bakit ganoon? kapag sinaktan tayo, bakit bawal tayong gumanti? hindi ba nararapat lang na gawin panatilihin nating pantay ang inog ng mga bagay-bagay? kasi nang tayo’y saktan, hindi ba parang nalamangan ka nung isang tao… at ikaw, ibinaba… eh bakit ka naman papayag ng ganun? hindi ba dapat matanggap niya ang nararapat na sa kanya at ibalik ang paninirang puring ginawa niya sa kanya? isipin mo na lang… hindi naman siya diyos para abusuhin ng ganun-ganun lang… hindi ba dapat ibalik mo ang balanse sa pagitan niyong dalawa? hindi ba iyon ang ibig sabihin ng pagkakapantay-pantay? Passion6

- aray!

One Response to “bawi lang…”

  1. Clayre Says:

    pare, dati ko nang gustong sabihin ito, may connection ito sa pagiging manhid eh… bale, ang tinuro ng diyos eh magpatawad ng kapwa pero kung iisipin mo nga ang daya naman kasi nasaktan ka na pero hindi ka pwede gumanti; kung sinapak ka, hindi mo siya pwede sapakin, kelangan mo lang siyang patawarin… pero gigi, madali nga lang bang magpatawad? ako kasi mas gusto kong gumanti kasi para sakin mas madaling gawin yun. masaya ka pa kunwari pero sa huli hihingi ka pa ng tawad. hay naku… lalong mahirap mag sorry hindi ba? wala akong magagawa baka sobrang taas lang ng pride ko. o kaya mas gusto ko na lang magpatawad kasi para wala nang gulo pa. ehehe

Leave a Reply