hari ng sablay

Hari ng Sablay
Sugarfree

please lang wag kang magulat
kung bigla akong magkalat
mula pa nung pagkabata
mistula ng tanga
sa’n-sa’n nadadapa
sa’n-sa’n bumababangga
ang puso kong kawawa
may pag-asa pa ba

oooh, ayoko ng mag sorry
oooh, sawa na akong magsisi

pasensya ka na
mabilis lang akong mataranta

ako ang hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
hinding-hindi makasabay
sabay sa hangin ng aking buhay
hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
ako ang hari, ako ang hari

isang tama sampung mali
ganyan ako pumili
‘di na mababawi ng puso kong sawi
daig pa ang telenovela
kung ako ay magdrama
ganyan ba talaga guhit ng aking tadhana

oooh, sawa na akong mag sorry
oooh, ayoko ng magsisi

pasensya ka na
mabilis lang akong mataranta

ako ang hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
hinding-hindi makasabay
sabay sa hangin ng aking buhay
hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
ako ang hari, ako ang hari

woah, ayoko ng magsorry
oooh, sawa na akong magsisi

pasensya ka na
mabilis lang akong mataranta

ako ang hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
hinding-hindi makasabay
sabay sa hangin ng aking buhay
hari ng sablay
ako ang hari ng sablay
ako ang hari, ako ang hari

may mga pagkakataon talaga sa buhay natin na parang wala tayong magawang tama. yung sunud-sunod talaga yung mga katangahang ginagawa natin. hindi naman talaga natin sinasadyang mangyari yung mali na yun pero for some unknown and divine reason, sasablay ka na naman. In a more personal level, sobrang nakakababa ng moral yun. nararamdaman mong nagiging pulbos yung kumpyansa mo sa sarili mo to the point na halos hindi ka na parang "habit" mo nang magkamali. pero wala nang mas hihigit pa kapag may nadamay na ibang tao sa katangahan mo. yung respeto nila sa yo, magkakaron na ng question mark bigla. Tapos sa sobrang conscious mo na baka magkamali ulet, lalo kang nagkakamali dahil pressured ka. para kang niluluto sa oven.

mahirap masanay ng nagkakamali. parang nagiging natural na sa yo ang hangaring abot na abot na dapat ng talampakan mo. walang may gusto nito. huwag tayo doon.

kunwari, lumabas ka ng kotse matapos mong magmaneho. nai-lock mo yung kotse nang hiundi nabubunot yung susi. patay ka na. sabay naiwan mo yung celphone sa loob pati ang wallet mo tapos taga-QC ka at nasa Makati (or San Juan) yung sasakyan mo. ahahaha. kahit gaano karaming dasal ang gawin mo at santong tawagin mo, maglalakad ka pauwi, guguluhin mo yung nanay o tatay mo para sa duplicate na susi sa pamamagitan ng pag-utang ng isang tawag sa isang malapit-lapit na sari-sari store or humingi ka ng limos… kailangan mo lang ngang magmukhang dugyutin. whatever u do, bad shot ka na naman sa magulang mo. (unless isa kang napakalupet na locksmith).

siguro yung thing dito, ok lang naman magkamali. basta matuto na tayo sa susunod. kailangan maging mature tayo pagdating sa mga ganitong bagay kasi sa totoo lang, mahirap talagang kalaban ang pagkakamali at ang mga dulot nito. pde tong gumawa ng scar sa brain natin and irrationally fear the event once it occurs again. parang phobia. kaya nating labanan to. kailangan lang natin maging matatag at matapang. wag tayong masanay na nagkakamali. wag tayong maging hari ng sablay.Tulog_1

- tulog… style ni —- ;p

Leave a Reply