Archive for June, 2005

habits

Wednesday, June 29th, 2005

walang bagay sa buong mundo ang permanente… kahit ang bato, pakonti-konting inaagos ng hangin at ng rumaragasang tubig… ang style and fashion, mashadong obvious na hindi permanent… pati ang ugali ng tao, hindi nanatili… oras-oras, magbabago ang tao… pero merong isang bagay na sa tingin ko, malapit-lapit sa permanence… these are habits. halimbawa smoker ka, napakahiram tanggalin sa sistema ng isang tao ang paninigarilyo… one way or another, lalo na kapag stressed ka, mapapabili ka talaga ng isang pack ng marlboro lights, olivenza bueno matches at tatambay sa SPG sa may CTC/SOM at hayun… bombing your lungs like there’s no tomorrow… before you know it, grasping for air ka na by the age of 40 and cursing yourself na hindi ka na lang nagstart… while doing that, yosi ka muna… kaka-stress isipin yun eh. haha. kunwari sanay kang matulog ng alas-dos ng madaling araw, araw-araw… mas mahirap yon… kahit na ba 7:30 classes ka sa susunod na araw, ganoon pa rin ang magiging tulog mo so you’re doomed. pasalamat ka na lang kung hindi pre-historic na teacher na mas matanda pa sa school mo ang kaharap mo sa umaga… else, ask me what it’s all about… hehehe. (joke lang father. hindi na po ako nag-iisip… ;p) last example… kunwari sanay kang tumatawag sa bf/gf gabi-gabi para kausapin siya… kahit bad trip ka or naiinis ka sa kanya, may force talagang hihila sa yo papunta sa lugar ng telepono… iddial ang 9*****7 tas kabom, "hello, pde po bang makausap si **p**?"… yon na… mas lalo naman kapag break na kayo… akala mo ordinary day pa rin at same routine… sobrang automatic… galing talaga.

habits are really tough to break… its a big part of you… halos kapantay na siya ng kahalagahan ng paghinga natin, pagtibok ng puso natin para dumaloy ang oxygenated blood sa katawan natin… kapag pinuputol natin yung flow, para tayong nasasakal… parang may kulang… parang… mapapasigaw ka na lang ng, "NNNNnnnNnnnnnooOOOOooOo!!!!!!!" ok lang siguro kung good habits siya such as regularly practicing to improve your athletic skills, honing your musical talent, studying para maka-DL, brushing your teeth three times a day, eating three meals a day, etc. pero if its a bad habit… its really going to be tough for you. sana lang you don’t cling on it so long na it infects your whole system… it destroys your life… makes you dum as a rock… useless as garbage (mas useful pa nga ang garbage… pde recycle. ;p) sige.. shit na lang. haha. ay… may kwneta rin pala yon… fertilizer… ANYWAY, as much as possible, huwag sana tayong magpapalulong sa bad habits natin kasi tayo rin ang magdurusa. it’s easier said than done though… alam na alam ko yun. sana nga in a snap, we can break our habits… siguro para lang magbago yung bad habits natin, why don’t we try something new in our lives… learn something new, go to places that you have never been to, play a sport that you think that you will never learn… malay mo you might love them pala… alot more time on different things and before you know it, hindi mo na ginagawa yung bad habits mo…

the sad part nga lang siguro is that we might mistake our bad habits as "sanctuaries" (safe places/comfort zones)… mali yun… importante rin siguro na may outsiders point of view telling you na it’s a not a really "helpful" thing for you… so in case or crticisms, sana mas maging open minded tayo.

habits… nakatira sa shire… haha. ;p

nalulunod

Wednesday, June 22nd, 2005

Dscf0229_1 merong nagsabi sa kin… or nabasa ko… or basta… kinwento niya sa kin yung tungkol sa pagkalunod. ang galing talaga. ganito yun… kapag itinapon ka sa gitna ng karagatang pasipiko for some strange reason (mashado kang makulit sa klase, mashado kang gwapo, etc.) tapos hindi ka marunong lumangoy (or kahit marunong ka), ganito yung pwedeng mangyari sa yo: una, pwede kang magfloating sandali… paano? igagalaw mo yung paa at mga kamay mo… kung mapagod ka, tigil ka muna… straight body tapos kusa kang lulutang (dead man’s float sabi nga ng teacher ko sa swimming nung 10 years old pa ko)… yung problema nga lang, wala kang hangin so gagawa ka ng hugis puso using your arms tapos grasp for some oxygen when your head goes above the surface… so swimming ka na lang ulet… pag napagod, same routine… yung problema nga lang doon, wala kang makikita kundi TTTTTUUUUUBBBBIIIIGGGG… no land… siguro pwede ka rin manood ng moon and stars sa gabi, tapos sunset and sunrise sa umaga (oh yehes….) pero… ummm…. MAMAMATAY KA NA!!! GAGO!!! anong kakainin mo??? siguro… mag-filter feed ka na lang sa hangin at sana may tingang dumapo sa yo… haha… kasi kung may isda man sa mga lugar na yun, pating yon or whale so wag ka na… mauuhaw ka? ayan oh andaming tubig! problema… dehydrated ka nga lang! lalamunin ng salt partivles lahat ng natitira mong tubig sa katawan. yehey! kapag wala ka ng pagkukunan ng energy (unless may solar pannels yung balat mo), magpaalam ka na… bibigay na yung muscles mo so hindi ka na makalalangoy pang muli… so eto na, lulubog ka… adrenalin rush siyempre so gagalaw uncontrolably yung mga galamay mo therefore, mapapagod ka at mauubos yung natitirang energy mo sa katawan. sumigaw ka man, wala ring mangyayari… ang masama pa dun, habang sumisigaw ka, pumapasok yung salt water sa bunganga mo… before you know it, redefined na ang dead man’s float

kadalasan… kapag iniisip natin ang tubig, hindi naman talaga pagkalunod ang iniisip ng nakararami (unless may kagat ka ng pating sa bewang or may hydrophobia ka since birth na nakuha mo sa pusonng nanay mo) pero kadalasan, life ang ibig sabihin ng tubig. nang magpadala ng electronic space expolrers sa buwan, nakakita sila ng mga natuyong mga canal therefore, sinasabing may life nga sa buwan. kapag may tuyot sa gitnang Luzon, marami-raming tao ang hindi kakain at pag dumating na ang ulan, masaya na ang lahat… mabubuhay nang muli ang mga nalatang halaman… sabi rin na mas matagal kang mamamatay ng walang pagkain kaysa pag walang tubig.

ganito rin siguro kapag nagmamahal tayo… akala natin napakamabulaklak ng mga pagsasama… na ang buong mundo’y titigil talaga kapag nakita mo ang gusto mong mapangasawa… na ang ang iniirog natin ay ibabalik ang kaparang pag-mamahal… na makukumpleto ang ating buhay… sa sine lang ata nangyayari ang ganon… kung pwede lang sa totoong buhay…… marahil sa honeymoon stage, possible ang ganyan… pero sa totoo, it requires so much work… it requires so much self set aside… kahit pride… lloving someone is not all that good… you hafta trust someone, na hindi mo kadugo, ng buong sarili mo… your words mean so much…your actions are priceless… you must be considerate… you must forgive… whew…

assuming that love is the ocean… picture this…a couple agrees to go on a dangerous trip… for fun daw kasi medyo adventurous daw. then the perfect storm comes na may waves to as high as 30 feet. you AGREED na walang iwanan… na if you die together, you’ll die together… if you live, you live together… natakot yung kasama mo… nauubos na yung boat ninyo… nalalagas na… at ang ginawa niya, tinapon ka sa dagat… iniligats niya ang sarili niya at your expense… after niyong magkasundo… after all that happened… after everything that you have done, iiwanan ka niya para malunod nang nag-iisa… should you survive, you’ll probably out to kill the person… hopefully somebody else will come along to save you… sana dalhin ka ng waves sa shore (parang yung puerto experience namin)… what i’m trying to say is that its really going to be tough getting over such a traumatic event such as that. thing is, gusto mo pa ba ulet na mag-journey sa dagat kung mabuhay ka? stay on land ka muna? pano yung nagtapon sa yo? mapapatawad mo pa ba siya?

game over

Tuesday, June 21st, 2005

Dscf0277 nung mga bata pa tayo, napagaan ng buhay… simpleng paglalaro ng dampa, teks, sipa, jolen, patintero, tumbang preso, tuwang-tuwa na tayo. mga career natin noon, expert gamer sa pac-man, mario bros, galaga, basketball sa liga… nang unang mabuo ang star city, enchanted kingdom, water fun at splash island, akala mo wala ng bukas kung mag-enjoy tayo. sobrang surreal ng lahat ng experiences na yun at kung ipagmalaki natin sa mga kaibigan natin, hanep talaga! lalo kapag nasakyan mo yung wild river or space shuttle, para ka nang diyos. mga problema natin noon, kapag napagalitan tayo ng teacher dahil nakikipagdaldalan tayo tungkol sa magic cards, kapag na-confiscate yung game and watch natin, dehado ka dahil tinalo ka sa tekken 2, kung paano mo kakausapin yung crush sa kapitbahay or pinapatulog tayo ng mga yaya natin sa tanghali. ang saya di ba? pure clean fun. ngayong tumatanda na tayo, lalong lumalalim ang mga problema natin… struggle para makapasa sa college, lahat ng pangungulit ng magulang para makakuha tayo ng disenteng trabaho ay nariyan na, napakarami ring emotional encounters na potek… sasakalin talaga yung mga ugat natin na akala natin katapusan na natin at drop dead within 2 seconds, dealing with break ups, takot na baka nakabuntis or buntis ka, nabangga mo yung kotse ng erpats mo, umuwi kang laseng at nagsuka sa lapag at tinulugan mo lang tapos amoy suka yung buong bahay, pagbbudget ng allowance mo, etc… ano yung mga sanhi ng kasiyahan natin ngayon? green jokes na siguro, sadistic encounters, power tripping, bisyo, computer games tungkol sa patayan, porn, etc. won’t it be nice to get away from all of these… alam mo na… clean fun… kantahan, kite flying, swimming.. yung problem lang siguro, you only get to do these kind of things kapag may bakasyon or leave tayo… kaya we resort to the not-so-pleasant fun that we have nowadays. sad noh? sobrang inevitable talaga ng growing up… it either we mature along with it or maging iresponsable na lang tayo habang buhay… mabuhay na parang pangarap. mag-enjoy.. mag-good time. mabuhay tayo sa pera ng mga magulang natin for the rest of our lives. mangutang pag tuyot na talaga yung wallet mo. hay… stagnation… by the time yr around 40 years old tapos ganyan ka pa rin, anong labas mo??? well…. ganito lang yan… babalikan ka ng mga inutangan mo to the point na pwede ka na nilang ipakulong (siguro may kaso ka na for writing post-dated checks), mapapaaga yung buhay ng mga magulang kasi instead na masaya na silang ineenjoy yung inipon nila from their work, pinakakain ka pa rin nila, kung may asawa at mga anak ka, siguro sinusumpa ka na nila dahil wala ka pa ring trabaho at pabigat kang talaga. mahiya ka naman! para saan pa yung investment ng magulang mo sa pag-aaral mo? dapat pinang-euro trip na lang nila hindi ba? kahit na nasa matinong mga school tayo ngayon… hindi pa rin maiiwasan ang stagnation. dapat ba siyang katakutan? isipin mo… wala kang gagawin at hindi ka naman nagugutom… magpapaka-passive ka lang… magpapakamanhid……well, hindi lang ikaw ang tao sa buong mundo. may mga taong umiinog sa paligid mo. kailngan mo silang pakialaman. ayaw mo man tanggapin, may utang na loob ka pa rin sa magulang mo. matagal-tagal na rin tayong humihingi ng pera sa kanila ng walang pakundangan…huwag naman na natin mashadong patagalin. isipin mo man na mahal na mahal ka nila at hindi ka nila pababayaan dahil pamilya sila, well… totoo yun… yung point lang siguro, mahiya naman tayo. sabayan naman natin ang agos ng buhay…i-confront at mag-mature… hirap noh? wala namang nagsabing madali eh. konswelo mo na lang siguro kung enjoy ka sa work or studies mo pero the rest of the way, it ain’t gonna be easy. hay… sarap maging bata ulet noh? ;p

fault finders

Tuesday, June 14th, 2005

sila na siguro ang pinakanakaiinis na mga tao sa buong mundo… sila yung kayang punahin yung pinakasimpleng katangahan mo… sila’y mga makinang may kakayahang hulihin ang ga-bulbol na mali na iyong ginawa (or detalye about you) … kung mapuna nila ang mga simpleng pagkakamali, akala mo sila ang pinakamagagaling, ang perpekto, ang walang kapara… sila ang fault finders. nabubuhay sila sa para sa iisang napakasimpleng bagay. ang makahanap ng mali and make you pay for it big time. more or less, naka-encounter na kayo ng mga tulad nila. maaaring siya yung math teacher mo na binawasan ka ng 5 points out of fifteen dahil walang equal sign yung final answer mo. pwede rin siyang maging misinformed freshman na wala ng ginawa kundi punahin, magreklamo at magmarunong habang pinupuna niya sa blog entry niya yung ORSEM. pwede rin siyang maging chinese na mom na hindi ka tinigilan dahil bumabagsak ka raw dahil sa girlfreind mong pilipina. pwede rin namang yung boyfriend/girlfriend mo na walang humpay sa sermon dahil hindi mo ma-meet yung napakababang expectations niya. hindi talaga sila masarap kausap or mabasa (kung writer man siya)… nakakainis pa pag binobroadcast nila yung mali mong napakaselan at kinaiingatan mo… kunwari, ayaw mong pinag-uusapan yung balat mo sa pwet, bigla siyang hihirit sa harapan ng napakaraming tao in a form of a joke yung tungkol dun. dehado ka dun. mapapamura ka talaga… tipong gusto mong pagulungin sa field yung gago at sikuhin yung mga mata niya hanggang magdugo at tuluyan siyang mabulag. tignan na lang natin kung makahanap pa siya ng mali. pero sa katunayan, ok rin namang nariyan sila. isipin niyo na lang kunwari kung walang nakakapuna sa mga mali mong ginagawa. eh di paulit-ulit ka ng gagawa ng katangahan. eh kung ikaw pa yung tipong walang pakialam sa opinyon ng iba at napakatigas ng ulo na parang hindi natututo, todas ka na. malulugmok ka sa dark side sa kadahilanang hindi mo nakita yung mali mo at walang nagpamukha sa yo. bakit nga ba sila nagiging ganun? tingin ko kasi, napagdaanan na nila yung mga ganoong bagay kaya mayroon talaga silang kapangyarihan para pagsalitaan ka ng ganoon. ayaw siguro nilang matulad ka sa kanila. marahil gusto nilang lumaban at maging higit na competitive ka pa kasi nakikinita kung ano ang kaya mo pang gawin. kung ganoon man ang intensyon nila, pagpalain nawa sila ng panginoong diyos at ipagpatuloy nila ang ginagawa nilang kabutihan. maaari rin namang gusto nilang maging magkatulad kayo. gusto niyang i-equip yung mga paniniwala niya na nagwowork sa para sa kanya. siguro, gusto niya ng karamay… marahil, gusto niya ng kakampi… kung ganito naman yung gusto niyang mangyari, sana maintindihan niya na magkakaiba ang mga tao… na walang iisang paraan o estilo sa paggawa ng mga bagay-bagay… na may kanya-kanya tayong kakayahan at kahinaan. kailangan niyang maintindihan yung salitang diversity. sorry to say pero hindi ikaw ang basihan ng pagkabuhay ng sambayanan. para naman sa mga fault finders na ang tanging dahilan ng kanilang mga hilaw na pag-atake sa mga katngahan mo sa ikatutuwa niya at your expense, huwag ka na lang sana magsalita… kasi hindi ka nakakatulong. actually, nakakasama ka pa nga eh… gets naman di ba?

PS: pasensya sa napakaseryosong entry na to… bad trip lang talaga ako.

nightmare

Friday, June 10th, 2005

Dscf0025habang nanonood ako ng game one ng detroit and san antonio, inantok ako. hanep naman kasi talaga yung dalawang team kung magtutukan sa depensa. inaasawa talaga yung mga bantay nila. lalo naman si bowen… umm… teka… wag na lang natin isipin… nyahaha. anyway, nagkaroon pala ako ng kakaibang panaginip. habang first to second quarter nung game… ganito raw yun… yung bahay raw namin, pilit na pinapasok ng mga multo. ang weird nga ng itsura nila… yung tipong itsura na makikita mo sa mga low-cost na horror train. yung tipong pumupunta sa claret kapag foundation day. hehe. tapos pasok sila ng pasok sa bahay. tapos tuwing papasok ako sa bahay, wala naman sila. tapos nun, lumabas ulit ako, tapos dagsaan na naman sila. after nun, merong bat-like thing sa loob ng bahay namin. tapos hinablot ko. sabi ng mga kasama ko (hindi ko maalala kung sino sila), huwag ko raw papatayin else, darating nga yung curse ng bottomless na dagsaan ng mga mumu na mukhang fake. wahaha. ayon. pinatay ko nga. tas yung nakakatawa pa dun, naging color itim na flower siya tapos yung nakakatawa dun, may sound effects na "poof!" talaga. anyway, it was so darn odd and freaky that when i woke up, akala ko nakainom ako ng isang family size na nescafe gold. ambilis talaga tapos kabadong-kabado raw ako. sabay pagkagising ko… ayon… gumuguho na yung lamang ng detroit. hehe…

anyway, napakarami ko nang nightmares. isa lang to sa kanila. merong isang beses na nagising ako while saying "Huuuuwwwwwaaaaaaaagggg!!!!!!!!!!" tapos malakas. meron din namang time na nahulog ako sa kama tas akala ko nahuhulog ako sa walang hanggang bangin. o kaya yung panaginip ko tungkol kay reptar na nilibing sa loyola tapos sinira yung buong metro manila. blah blah… napakarami ng mga panaginip kong nakakatakot… pero walang hihigit dun sa panaginip ko ng makita ko ang sarili ko (tadadadam!). ;P

alam mo kung gaano kanakakatakot yung nangyari? ganito…. lahat lang naman ng ginawa ko sa buong buhay ko, ginaya niya. lahat ng reactions, lahat ng hirit, lahat ng kabalbalan… basta… lahat! dealing with people, eccentricity… hindi talaga nagkaiba. i found him very annoying. sobra. yung tipong kikitilan ko ng leeg pag hindi tumigil. linchak na yun! nakakainis talaga. napakalandi pa. in short, hindi ko siya ma-take. random scenes lang talaga yung lumabas. tipong everyday ordinary events lang talaga. tapos habang nakikita ko siya, nauubos talaga yung pasensya ko sa kanya. tapos yung pinakahuling part, nagkatitigan kami ng matagal-tagal. ayaw niyang umurong tapos ako, takot na takot. wow! tas nagising ako ang said to myself, "ayaw kong makakilala ng taong katulad na katulad ko."

galit kaya ako sa sarili ko? ganun ba ko ka-panget? may gusto ba kong baguhin sa pagkatao ko? sa mga marunong mag-interpret ng dreams diyan, tulong naman. hehe. ;p kung hindi man kami magkita, mabuti. kung magkita man kami, sana saglit lang kasi ayaw kong mamatay sa heart-attack. ;p gusto ko heroic death eh. hehe. ;p

ingat lahat!

kiliti (tribute to some person that i know. kilala mo kung sino ka.)

Tuesday, June 7th, 2005

kung tingin niyo tungkol to sa isang rated R na movie na may ganyang title,  nagkakamali kayo. haha.

isipin niyo kung saan yung mga kiliti niyo… may ilan sa tin na sasabihing kahit saang parti ng katawan, may kiliti siya. meron din naman sasabihin wala (pero meron talaga, deny lang). meron din namang sasabihing secret. whatever the case may be, tingin ko lahat ng tao sa kahit na anong sulok ng mundo, mayroon talagang kiliti.

para sa mga taong kakaunti lang ang kiliti, sino ang nakakaalam ng kiliti niyo? parati ba niyang inaabuso ung knowledge niya ng kiliti mo at pinapatawa ka hanggang hindi ka na makahinga at mamuti ang mata mo?

what’s the point? wala lang… ;p ang kiliti kasi ay aksyon na nakapagpapatawa sa atin habang naaasar tayo or nasa state of discomfort tayo. isipin niyo.. kunwari may nag-joke tapos sobrang bumenta sa yo habang humihigop ka ng sabaw sa bowl. anong mangyayari? una, lalabas muna yung sabaw sa ilong mo so nakakahiya naman sa mga mababasa mo. pwede rin namang magspray yung sabaw parang yung ginagawa ni triple H sa wrestling so again, kailngan ng payong ng mga kasama mo. tapos tatawa ka ng walang hanggan. tapos magmumukha kang gago. luluha ka so kailangan mo pang maghanap ng tissue paper. pero hindi mo na naisip yung poise mo nun kasi potek, nakakatawa talaga eh! hindi ganun yung case kapag kinikiliti ka. naiinis ka ng sobra dun sa gumawa nun sa yo. tas yung tendency, ward off mo yung lintek na instrument of doom niya (kamay, paa, etc.) tapos bumawi ka. hindi ba? sa madaling sabi, nakakainis talaga ang kiliti.

pero come to think of it, sino lang ba yung mga taong nakakaalam ng kiliti mo? lalo dun sa mga kakaunti lang yung kiliti, sino lang ba ang may alam kung paano ka patawanin habang naasar ka? di ba sila yung closest people sa yo? di ba sila yung mga nakasama mo for a long time already? for example, yung mommy ko, napakalakas mangiliti niyan. kaso ang diyahe dun, kapag babawi na ko, luging-lugi ako. wala kasi siyang kiliti kahit saan. ang daya! nakaka-frustrate na talaga kung minsan. tinanong ko dad ko… sabi niya meron daw. pero kahit na anong mangyari, hindi ko pa rin mahanap. paano kaya nalaman ng daddy ko yun? siguro dahil napakatagal na nilang magkasama, hindi ba? at ako, mula nang ipanganak ako sa children’s hospital sa banaue, kilala na ko ng nanay ko.

in addition… hindi rin naman pala ganun ka-nakakainis yung kiliti. minsan, kapag sobrang down natin at gradual yung paninigas ng puso natin hanggang  kapara ng hardiflex sa tibay. pero kapag may kaibigan tayong alam kung saan tayo kikilitiin, patay ka na. hindi man natin aminin sa kanya at maggalit-galitan tayo, lumuwag pa rin naman ang damdamin ang damdamin natin.

kung iisipin niyo, madalas ding nababanggit ng mga tao when it come to meeting people yung "panghuhuli ng kiliti", hindi ba? may sense pala siya kasi parang it holds the keys towards going deep with a person, layer by layer (sabi nga ni shrek, onions). once mahuli mo ung kilti ng isang tao, more or less, magiging close kayo nung taong yun. kahit natatawa ka sa kanya or naiinis, the bond still remains. hehe… ;p

last na talaga… kiliti may also spell the introversion and extraversion of the person. hindi ko lang alam ha pero yung mga taong kilala ko na malalakas ang kiliti, trasparent sila. you can easily see right through them. as for those na kBohol104akaunti lang ang kiliti, medyo mysterious talaga sila. baka lang naman. hehe.

- cute nung tarsier… hehe. sino ba jan? wahaha!