nalulunod
merong nagsabi sa kin… or nabasa ko… or basta… kinwento niya sa kin yung tungkol sa pagkalunod. ang galing talaga. ganito yun… kapag itinapon ka sa gitna ng karagatang pasipiko for some strange reason (mashado kang makulit sa klase, mashado kang gwapo, etc.) tapos hindi ka marunong lumangoy (or kahit marunong ka), ganito yung pwedeng mangyari sa yo: una, pwede kang magfloating sandali… paano? igagalaw mo yung paa at mga kamay mo… kung mapagod ka, tigil ka muna… straight body tapos kusa kang lulutang (dead man’s float sabi nga ng teacher ko sa swimming nung 10 years old pa ko)… yung problema nga lang, wala kang hangin so gagawa ka ng hugis puso using your arms tapos grasp for some oxygen when your head goes above the surface… so swimming ka na lang ulet… pag napagod, same routine… yung problema nga lang doon, wala kang makikita kundi TTTTTUUUUUBBBBIIIIGGGG… no land… siguro pwede ka rin manood ng moon and stars sa gabi, tapos sunset and sunrise sa umaga (oh yehes….) pero… ummm…. MAMAMATAY KA NA!!! GAGO!!! anong kakainin mo??? siguro… mag-filter feed ka na lang sa hangin at sana may tingang dumapo sa yo… haha… kasi kung may isda man sa mga lugar na yun, pating yon or whale so wag ka na… mauuhaw ka? ayan oh andaming tubig! problema… dehydrated ka nga lang! lalamunin ng salt partivles lahat ng natitira mong tubig sa katawan. yehey! kapag wala ka ng pagkukunan ng energy (unless may solar pannels yung balat mo), magpaalam ka na… bibigay na yung muscles mo so hindi ka na makalalangoy pang muli… so eto na, lulubog ka… adrenalin rush siyempre so gagalaw uncontrolably yung mga galamay mo therefore, mapapagod ka at mauubos yung natitirang energy mo sa katawan. sumigaw ka man, wala ring mangyayari… ang masama pa dun, habang sumisigaw ka, pumapasok yung salt water sa bunganga mo… before you know it, redefined na ang dead man’s float
kadalasan… kapag iniisip natin ang tubig, hindi naman talaga pagkalunod ang iniisip ng nakararami (unless may kagat ka ng pating sa bewang or may hydrophobia ka since birth na nakuha mo sa pusonng nanay mo) pero kadalasan, life ang ibig sabihin ng tubig. nang magpadala ng electronic space expolrers sa buwan, nakakita sila ng mga natuyong mga canal therefore, sinasabing may life nga sa buwan. kapag may tuyot sa gitnang Luzon, marami-raming tao ang hindi kakain at pag dumating na ang ulan, masaya na ang lahat… mabubuhay nang muli ang mga nalatang halaman… sabi rin na mas matagal kang mamamatay ng walang pagkain kaysa pag walang tubig.
ganito rin siguro kapag nagmamahal tayo… akala natin napakamabulaklak ng mga pagsasama… na ang buong mundo’y titigil talaga kapag nakita mo ang gusto mong mapangasawa… na ang ang iniirog natin ay ibabalik ang kaparang pag-mamahal… na makukumpleto ang ating buhay… sa sine lang ata nangyayari ang ganon… kung pwede lang sa totoong buhay…… marahil sa honeymoon stage, possible ang ganyan… pero sa totoo, it requires so much work… it requires so much self set aside… kahit pride… lloving someone is not all that good… you hafta trust someone, na hindi mo kadugo, ng buong sarili mo… your words mean so much…your actions are priceless… you must be considerate… you must forgive… whew…
assuming that love is the ocean… picture this…a couple agrees to go on a dangerous trip… for fun daw kasi medyo adventurous daw. then the perfect storm comes na may waves to as high as 30 feet. you AGREED na walang iwanan… na if you die together, you’ll die together… if you live, you live together… natakot yung kasama mo… nauubos na yung boat ninyo… nalalagas na… at ang ginawa niya, tinapon ka sa dagat… iniligats niya ang sarili niya at your expense… after niyong magkasundo… after all that happened… after everything that you have done, iiwanan ka niya para malunod nang nag-iisa… should you survive, you’ll probably out to kill the person… hopefully somebody else will come along to save you… sana dalhin ka ng waves sa shore (parang yung puerto experience namin)… what i’m trying to say is that its really going to be tough getting over such a traumatic event such as that. thing is, gusto mo pa ba ulet na mag-journey sa dagat kung mabuhay ka? stay on land ka muna? pano yung nagtapon sa yo? mapapatawad mo pa ba siya?
June 22nd, 2005 at 7:09 am
dalhin ng waves sa shore? parang ung puerto experience? bwahaha!!! kilala ko ata un a! =p
June 25th, 2005 at 6:06 am
^^
–> hadik ka tlaga kahit kelan..hahahah..
–> but i know what you mean..sabi nga ng p***ng theo prof namen eh: “love means to say i want to be one with you forever!”
–> un dinedescribe mo,sa ocean,it’s not love at all..
–> hahahaha..