Archive for July, 2005

comfort objects

Sunday, July 24th, 2005

wow… tagal ko na palang hindi nagsusulat. hehehe.

comfort objects are one of the best things that the world has to offer to us. for example, ako, gusto kong nakikinig ng music ng discman habang umiinom ng mango+strawberry shake at kumakaen ng big mac… yown… sabay yosi kapag busog na… yeah! iniisip ko pa lang, may kiliti na agad sa kin. eh ikaw? ano bang comfort objects mo?

eh pano kung masira yung headset ng discman ko? o kaya pano kapag naubos yung strawberry sa buong baguio? tapos magsara yung mcdo dahil mashado nagkaroon sila ng civil war against jollibee tapos natalo sila… tapos lahat ng tobacco plants, natuyo dahil umabot sa 50 degrees yung temperature sa pinas? thinking about it, ang lungkot di ba? paano na ko? saan na ko pupunta? paano kung stressed na stressed na ko mula sa kung anu-anong pain na binibigay ng mundo sa akin? anong excape ko? alam kong for a while, mawawala ako… pero dapat maghanap ulet ako ng bagong comfort objects… yung magiging escape ko… yung magbibigay sa kin ng saya ng walang ka-effort effort.

ang problema lang siguro dun sa mga comfort objects natin, we sometimes identify ourselves with as those comfort objects. akala natin, sila yung bumubuong pagkatao natin. halimbawa, kung may car ako, tapos nabangga tayo, kelangan ipadala sa CASA yung kotse di ba? feeling natin, may malaking chunk sa tin ang nawala when in fact, hindi naman talaga. pwede ka namang maglakad, mag-MRT, magbike or mag-commute. but still, hindi natin matanggap na wala nga tlaaga siya… yun bagay na nakasanayan mo na. eto nga yung problema kapag sobrang attached na tayo… nawawala yung pagkatao natin.. yung pagka-independent natin. yung potential natin to excel. yung sky na ang bukod-tanging limit natin. hindi ba? if we identify ourselves closely to our friends, tapos biglang kailangan niyang mag-abroad… ang sakit-sakit nun. kay sakit nun… sobra. oo.. hindi naman object yan eh… tao naman so may excuse ka na malungkot. NOT! take note na in order to care for others, one must learn to care for yourself muna… how can you extend yourself kung kinukulang ka sa sarili mo? so… i can classify this as care but DEPENDENCE. malalaki na naman tayo… kaya na nating tumayo sa mga sarili nating mga paa on some aspects (except siguro financially… haha.)

siguro… para lang huwag kang mashadong mawala, kapag may-comfort object ka, sana maintindihan natin na object lang talaga siya and our over dependence will make us weak and vulnerable.