pushing your luck…

maraming tao ang swerte at isa na ko sa mga taong iyon… napakaraming beses na isinasaalang-alang ko na lang sa swerte yung mangyayari sa buhay ko. alam mo yun… ung chance na mapunta sa favor mo yung isang pangyayari at yung chance na mayari ka, tag-50% sila. tatrabahuhin ko until that 50 percent becomes possible tapos nun, bahala na si batman kung anong gusto niya mangyari. classic gilbert peren example: magpapraktis ako ng cello. yung steady lang. yung tamang-tama lang. hindi excellent talaga. yung pwede na. tapos darating yung lesson. eh umaga yon. so malamang, kung kilala niyo talaga ko, alam na alam niyong hindi talaga ko natutulog ng maaga. so lesson na nga… yung simula nung lesson, ayos naman. wala namang reklamo. nakabola naman. pero habang tumatagal yung lesson, napapagod na ko at inaantok dahil puyat nga ako as always, yari na to. magagalit na si maam celia sa kin. manggigil na siya. isstomp niya ung paa niya na pagaling pa lang from some badminton injury at blam, masama na naman ang timpla naming dalawa. pero manhid na rin naman ako eventually…. and alam kong mali tong habit na nadedevelop ko. the following lesson, ganun at ganun na naman. iaasa ko na lang sa swerete kung magiging maayos ung lesson ko or hindi. example two, nag-aaral ako for an electronics class. exams na nun. yung buong sem ko sa subject na yon wasn’t so good kasi nga parati na lang umaasa na madali yung lalabas. eh apparently, hindi ganun si sir bong. hehehe. parating dapat tricky at komplikado yung mga test niya at hindi pupwede ung hilaw na knowledge para makapasa sa kanya. so dumating na nga yung finals with all the weight in the whole world… dalawa lang yun… i make good in that, i pass… if i dont, yari… take two… and considering na walang breathing room sa units ang ECE (oo, puno yung buong limang taon namin), mahihirapan ka maghabol… so yon na nga… iasa na naman sa swerte yung pagpasa or pagbagsak ko sa class na yun. nagtest. mahirap! lagot….. ulet ng isa pang sem. adjust lahat ng subjects. overload to the max. may threat pa na hindi ka gagraduate on time. give up other things that you could have done kung inayos ko lang yung buhay ko for that particular sem. pero i had to be stubborn. kailangan ko talagang isaalang-alang sa swete yung ganun ka-importanteng bagay. patawa nga eh. after nung sem na yun, nasanay na rin akong magsibagsak… to the point na wala na kong pakialam… sanay na kong umasa sa swerte… what happened? struggle ako ngayon para lang makahabol sa mga batchmates. para makasama sila sa thesis and hopefully sa grad. kitams? simple lang naman di ba? liit na bagay… mag-aaral lang naman ako talaga… just like what a normal student would do pero anong ginawa ko? pushed my luck… sinaid ko talaga at blag! crisis ako ngayon.

yung point lang siguro, may mga oras talaga na swerte talaga tayo… pero meron din namang mga oras na sobrang hindi talaga. so i suggest na before doing anything that’s super adventurous, i think its important for u to know kung gaano ba talaga kalalim yung posibleng effect niya say u palampasin ka ng swerte or hindi. kumbaga in sociological terms, ung latent effect niya. hindi man siya evident for the mean time pero in the long run, yari ka talaga. i guess the once that are life-changing should stay in the realm of "paghahandaan ko ng maigi" kesa "bahala na talaga". take it from me… ;p

Leave a Reply