nightmare
June 10th, 2005 by gigilberthabang nanonood ako ng game one ng detroit and san antonio, inantok ako. hanep naman kasi talaga yung dalawang team kung magtutukan sa depensa. inaasawa talaga yung mga bantay nila. lalo naman si bowen… umm… teka… wag na lang natin isipin… nyahaha. anyway, nagkaroon pala ako ng kakaibang panaginip. habang first to second quarter nung game… ganito raw yun… yung bahay raw namin, pilit na pinapasok ng mga multo. ang weird nga ng itsura nila… yung tipong itsura na makikita mo sa mga low-cost na horror train. yung tipong pumupunta sa claret kapag foundation day. hehe. tapos pasok sila ng pasok sa bahay. tapos tuwing papasok ako sa bahay, wala naman sila. tapos nun, lumabas ulit ako, tapos dagsaan na naman sila. after nun, merong bat-like thing sa loob ng bahay namin. tapos hinablot ko. sabi ng mga kasama ko (hindi ko maalala kung sino sila), huwag ko raw papatayin else, darating nga yung curse ng bottomless na dagsaan ng mga mumu na mukhang fake. wahaha. ayon. pinatay ko nga. tas yung nakakatawa pa dun, naging color itim na flower siya tapos yung nakakatawa dun, may sound effects na "poof!" talaga. anyway, it was so darn odd and freaky that when i woke up, akala ko nakainom ako ng isang family size na nescafe gold. ambilis talaga tapos kabadong-kabado raw ako. sabay pagkagising ko… ayon… gumuguho na yung lamang ng detroit. hehe…
anyway, napakarami ko nang nightmares. isa lang to sa kanila. merong isang beses na nagising ako while saying "Huuuuwwwwwaaaaaaaagggg!!!!!!!!!!" tapos malakas. meron din namang time na nahulog ako sa kama tas akala ko nahuhulog ako sa walang hanggang bangin. o kaya yung panaginip ko tungkol kay reptar na nilibing sa loyola tapos sinira yung buong metro manila. blah blah… napakarami ng mga panaginip kong nakakatakot… pero walang hihigit dun sa panaginip ko ng makita ko ang sarili ko (tadadadam!). ;P
alam mo kung gaano kanakakatakot yung nangyari? ganito…. lahat lang naman ng ginawa ko sa buong buhay ko, ginaya niya. lahat ng reactions, lahat ng hirit, lahat ng kabalbalan… basta… lahat! dealing with people, eccentricity… hindi talaga nagkaiba. i found him very annoying. sobra. yung tipong kikitilan ko ng leeg pag hindi tumigil. linchak na yun! nakakainis talaga. napakalandi pa. in short, hindi ko siya ma-take. random scenes lang talaga yung lumabas. tipong everyday ordinary events lang talaga. tapos habang nakikita ko siya, nauubos talaga yung pasensya ko sa kanya. tapos yung pinakahuling part, nagkatitigan kami ng matagal-tagal. ayaw niyang umurong tapos ako, takot na takot. wow! tas nagising ako ang said to myself, "ayaw kong makakilala ng taong katulad na katulad ko."
galit kaya ako sa sarili ko? ganun ba ko ka-panget? may gusto ba kong baguhin sa pagkatao ko? sa mga marunong mag-interpret ng dreams diyan, tulong naman. hehe. ;p kung hindi man kami magkita, mabuti. kung magkita man kami, sana saglit lang kasi ayaw kong mamatay sa heart-attack. ;p gusto ko heroic death eh. hehe. ;p
ingat lahat!




